Cryptocurrency Mining 101 (Tagalog Guide)
Translated by Arzen Ong from Cryptocurrency Mining 101 | How It Works
Sa maikling panahon ay mabilis na sumikat at madalas pag usapan ang Blockchain at cryptocurrency. Marahil ay may kakilala ka nagsabi na “Nagmimina ako ngayon ng Cryptocurrency! Ayus to!”
Pero ano nga ba talaga ang Crypto Mining? At paano ito gumagana?
Sa artikulong ito ay pag-uusapan natin ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa basic concept ng crypto mining. Kasama na dito ang mga crypto terms na madalas gamitin sa usapang ito.
Basic Crypto Terms
1. (Centralized) Ledger
Ito ay ang ‘chain’ ng mga transaksyon sa loob ng isang network na ‘linked’ sa isa’t isa at nakalagay sa isang ledger. Isa itong record ng ng mga financial transactions.
Sa madaling salita, nangangahulugan na ang centralized ledger ay mga ‘chains’ o transaction data na nakatago sa iisang ledger lamang.
2. Distributed Ledger
Ang distributed ledger ay halos pareho lang ng centralized ledger, subalit ang mga transaksyon sa network nito ay hindi nakakalat sa iba’t ibang mga ledger. Ang distributed ledger ay decentralized, ibig sabihin ay lahat ng network na gamit nito ay may kanya kanyang kopya ng ledger’s data sa kanilang mga nodes.
3. Node
Ang node ay mga device na gamit ng lahat ng gumagamit ng isang network. Kapag pumasok ka sa isang network, ang device na gamit mo ay magiging node at kinakailangan ng mag download ng pinaka bagong bersyon ng ledger.
“Ang papel ng node ay suportahan ang network sa pag-maintain ng kopya ng blockchain at, sa ilang kaso, ay mag-proseso din ng mga transaksyon.”
4. Blocks
Ang ‘block’ ay ang patuloy na nage-expand na listahan ng mga financial records at data, na ‘linked’ sa isa’t isa gamit ang cryptography, na nasa loob ng blockchain.
Ang mga ‘blocks’ sa ‘chain’ ay pinagdikit-dikit ng “hashing.” (Maari nyong silipin ang Pixel Privacy’s Blockchain 101 dito: https://pixelprivacy.com/resources/what-is-the-blockchain/)
5. Hashing
Ang “hashing” ay ang proseso ng pagkuha ng partikular na input mula sa partikular na haba upang gawin itong cryptographic output sa paggamit ng mathematical algorithmic na proseso.
Kada ‘input’ ay naglalaman at nagrerepresenta ng kada isang piraso ng data (financial information) na naganap sa isang blockchain. Sa madaling salita, ang hashing ay nagaganap sa kada transaksyon ay isinasama sa isa pang transaksyon. Isang bagong hash ang galing mula sa mga aktibidad ng mga dating transaksyon sa loob ng blockchain.
6. Hash of the previous block
And kada ‘block’ sa chain ay naglalaman ng output ng nakaraang hash pati narin ng bagong gawang hash input mula sa mathematical process.
7. Proof of Work (PoW)
Narito ang pagtukoy ng BlockGeeks sa depinisyon ng “Proof of Work”:
“Ang proof of work ay isang requirement upang matukoy ang gastos ng computer calculation na tinatawag ding ‘mining’. Kinakailangan itong gawain upang makagawa ng bagong grupo ng ‘trustless transactions’ (ang tinatawag nilang ‘block’) sa isang distributed ledger na tinatawag na blockchain.”
At dahil pamilyar ka na sa mga basic na crypto terms, atin ng silipin kung ano ba talaga ang crypto mining, paano ito pinoproseso, at makit nagma-‘mine’ ang mga tao.
Crypto Mining
Ang mga Crypto Miners ang nagkukumpirma ng mga bagong transaksyon sa loob ng distributed ledger’s network. Ating silipin isang simpleng halimbawa nito upang matulungan tayong maintindihan kung paano ito gumagana.
Isipin mo na ikaw ay nasa isang network kasama ang apat (4) mong kaibigan at nais mong magpadala ng $100 sa isa sa kanila. Sa paggawa nito, automatiko kang nagbabahagi at nagbibigay ng ‘transaction request’ sa network.
Ang lahat ng kaibigan mo ay makakatanggap ng mensahe na ikaw ay gumawa ng isang ‘transaction request’. Tandaan: Sa puntong ito ay hindi pa nakukumpirmaa ang iyong transaksyon. Ibig sabihin lang nito ay hindi pa ‘recorded’ at naitatala sa ledger ang iyong transaksyon.
Upang makumpirma ang iyong transaksyon at upang maisakatuparan ito, may isa pang prinsipyo ng crypto ang kinakailangan: ito ay ang ‘mining’. Ang mining ay ang pag resolba ng mga komplikadong kalkulasyon base sa kasalukuyang hash data.
Sa isang distributed na ledger, kinakailangan na ang mga ‘miners’ ay mayroong node sa network – ito ay dahil sa pampubliko ang network kahit sino na may-access dito. Ang mga miners ang gumagawa ng mga esensyal na proseso ng cryptography habang nakikipag kumpitensya sila sa ibamg miners na nagpo-proseso din nga data para sa parehas na ledger din. Kinakailangan ang mga miners upang maresolba ang mga komplikadong ‘mathematical problems’ na parte ng proseso sa kada transaksyon na nagaganap sa blockchain.
Kinakailangan mamuhunan ng mga miners para sa ‘computing power’ na nagsilbi pangunahing resource nila upang makapag resolba ng mga komplikadong mathematical problems sa network. Mas mataas ang computing power na mayroon ang isang miner, mas mataas ang posibilidad na makatapos sya ng mga komplikadong problems sa pinakamabilis na panahon.
Ang matematika na nagaganap dito ay sobrang komplikado. Ang kinakailangan mo lang na malaman ay kada isang node ay mayroong algorithm sa loob nito. Ibig sabihin ay ang software sa loob ng node ay agad na nakakatangap at nagkakalkula ng mga mathematical problems na kinakailangan sa blockchain. Partikular na para sa mga bagong “hash key” na kinakailangan kilatisin ‘randomly’. Isa ito sa mga bagay na nagpapatagal ng proseso.
Ang miner na pinaka mabilis makaresolba ng mga mathematical problems na ito ay makakatangan ng financial compensation, ito ang katumbas ng ‘reward’ o premyo. Halimbawa, ang mga bitcoin miners ay nakakatangap ng mga kabayaran o rewards sa anyo ng bitcoin mismo.
Matapos maresolba ng isang miner ang ‘puzzle’ at mahanap ang susi sa pinakamabilis na oras, kinakailangan itong i-synchronize sa distributed ledger sa kabuuang network.
Sa madaling salita, ang mga miners ang nagdadagdag ng iyong ‘validated transactions’ sa kanyang node at inilalabas ang solusyon ng mga ito sa network mismo. Para na nilang sinabi na “Hey guys! Naresolba ko na ang puzzle at eto ang sagot.” Ang bagong key na malilikha ng mga miner ay ginagamit ng iyong mga kaibigan sa network upang maidagdag din nila ito sa kanilang node.
Matapos ito, ang lahat ng distributed ledgers sa network ay ina-update upang maglaman ng eksaktong magkaparehas na hash key at chain ng transactions.
Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptocurrency Mining 101 (Tagalog Guide)