Paano Protektahan Ang Iyong Ronin Wallet, Axies, at, Axie Infinity Account
Translated by Arzen Ong on How to Protect your Ronin Wallet, Axies, and Axie Infinity Account | Philippines Guide originally published on Aug. 25, 2021.
Ang Axie infinity sa ngayon ay may mahigit isang milyong daily active users (DAU). Habang padami ng padami ang mga players na pumapasok sa play-to-earn na mga laro, importante na alamin natin ang mga tamang pag-iingat upang masigurado ang ating mga accounts – lalong lalo na ang ating mga Axie – ay ligtas. Marami ng ibaโt ibang insidente ng hacking ang nai-ulat at ang sapat na kaalaman sa seguridad ang pinakamainam na sandata upang maiwasan ang mga ganitong insidente.
Pero paano ba nagaganap ang isang Axie Hack?
Ang artikulong ito ay para lamang magbigay impormasyon kung paano gumagana ang Ronin Wallet at kung paano madalas maganap ang mga hacks, pati nadin mga tips kung paano ito mapoprotektahan. Ang artikulong ito ay hindi isang โinvestment adviceโ.
PAANO GUMAGANA ANG AXIE
Sa Axie Infinity, maaari itong laruin ng isang player kung siya ay mayroong 3 Axie o higit pa. Kinakailangan ito upang magamit mo ang ibang modes at features. Bago makabili ang isang player ng Axie sa marketplace, kinakailangan niya munang gumawa ng Ronin Wallet.
Ang Ronin Wallet ay isang โLayer-2 Sidechain Walletโ na maaaring ma-download bilang isang Chrome Extension, at idinisenyo upang ang lahat ng transaksyon na magaganap dito ay libre at hindi nangangailangan ng gas fees na ipinapataw ng Ethereum.
Ayon sa mga na biktima ng hack, ang mga Axies nila ay na-โgiftโ mula sa kanilang Ronin Wallet at nalipat sa wallet ng hacker bago ito maibenta sa sa Axie Marketplace. Dahil sa taas ng demand ng Axie, mabilis itong naibebenta ng hindi nalalaman na hacker pala ang nagbenta nito.
Base sa account design at arkitektura ng laro, bago mai-โgiftโ ang isang Axie ay nangangailangan ito ng pahintulot mula sa Ronin-wallet na naka-โattachedโ sa account.
Samakatuwid, ang tanging paraan para makapasok ang isang hacker sa account ng ibang tao ay kapag na kompromiso ang account nito o kung sila ay gumamit ng pekeng Ronin Wallet.
Paraan ng pangha-hack
Pag-atake gamit ang โPhishingโ.
Ang phishing attack ay isa sa pinakamadalas na paraan ng pangha-hack upang mapasok ang account ng ibang tao. Base ito sa data ng Google Safe Browsing, sa ngayon ay halos 75 bese kadami ang mga phishing websites ngayon kumpara sa mga malware website sa internet.
Sa Axie Infinity, ang mga hackers ay gumagawa ng mga pekeng websites at kanila itong iniis-sponsor sa Google Ads para makita ng maraming tao ang pekeng website sa taas ng Google Search kapag nag-search sila tungkol sa Axie Infinity. Ang tamang Ronin Chrome Extension ay matatagpuan sa opisyal na Sky Mavis na website: https://skymavis.com/products
Noong Agosto 24, 2021, wala pang opisyal na Ronin Wallet sa App Store at Play Store. Kung ano man ang mga nandoon ay mga fake accounts na hihingi ng inyong mga seed phrase. Oras na ibigay mo sa kanila ang iyong seed phrase, makokontrol na ng hacker ang iyong account at asahan mo nang mawawala ang iyong mga Axie at mga tokens na nasa loob ng iyong wallet.
Pero paano naman kung walang mga laptop o desktop ang isang Axie player para ma-access ang Chrome? May ibang players na gumagamit ng kiwi browser bilang kanilang mobile browser, maaari kang mag install sa iyong mobile phone ng mga Google Chrome extension gamit ang browser na ito. Ayon sa post ni Luis Buenaventura II, co-founder ng BloomX, wala namang problema sa pag-gamit ng Kiwi browser at kadalasan ay mga fake websites talaga ang modus ng mga hacker para makapasok sa mga Ronin accounts ng ibang tao.
Ang mga iba pang pag atake ay ang mga kunwaring โpa kontestโ na nangangako ng mga libreng airdrops kapalit ng seed phrase ng mga tao.
ย Social Engineering
Posible na ang isang baguhan ay humingi ng tulong sa ibang tao upang mag-patulong na i-set up ang kanilang account. Kung ang mapag-tiwalang baguhan ay ipinakita ang kanyang seed phrase sa ibang tao, may posibilidad na i-kompromiso ng ibang tao ang account ng baguhang ito.
Lahat ng posibleng pag-atake ay nagsisimula sa panahon na malaman ng hacker ang seed phrase ng biktima, kaya naman importante itong panatilihing ligtas.
Paano protektahan ang iyong Axie Account?
Panatilihin na ligtas at tago ang iyong Seed Phrase
Hindi na ito dapat pang ipaalala. Lahat ng posibleng pag-atake ay nagsisimula sa panahon na malaman ng hacker ang iyong seed phrase. Hangat maaari, huwag mo itong itago online. Isulat mo ito sa isang notebook. Gumawa ka din ng mga kopya. Huwag mo itong ibahagi sa kahit na sino.
Mag invest sa hardware device
Ang mga hardware wallets ay mga tipo ng cryptocurrency wallets kung saan maaari mong ilayo ang iyong mga private keys sa isang pisikal na device. Maaari din itong gamitin bilang โTransaction signerโ at lahat ng transaction sa iyong account ay dadaan muna sa device na ito at hihingi ng iyong permiso bago ito magpatuloy.
Sa panahon na isinulat ko ito, ang Axie Infinity ay compatible pa lamang sa mga Trezor Wallets.
Siguraduhin na ang mga website ay may โhttps://โ na marka
Hypertext Transfer Protocol Secure (HTTPS) ay isa sa mga pinaka-simpleng bagay na maaari nating i-check sa isang website. Maaari natin itong ihalintulad sa Twitter Verification Mark (Blue Check Mark) para makasiguro na ito ay beripikadong tao 0 website.
Bumili lamang ng Axie sa Marketplace
Dito dapat nagsisimula ang lahat ng beginners. Ang pinakamagandang lugar, at ang tanging lugar lamang, na dapat mong gamitin pag bibili ka ng Axie ay walang iba kung hindi ang Axie Marketplace! https://marketplace.axieinfinity.com.
Ito ay ilan lamang sa mga bagay na dapat mong pag-isipan kung ikaw ay maglalaro ng Axie Infinity. Totoo na ang larong ito ay nakaka aliw at nakakatanggal ng stress. Pero kabaligtaran ang mangyayari sayo kung bigla na lang mawawala ang mga Axie mo.
Simula ng i-release ito, nangunguna na ang Axie Infinity sa buong NFT gaming scene at patuloy itong mananatili bilang nangungunang money earning protocol sa Ethereum network.
Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Paano Protektahan Ang Iyong Ronin Wallet, Axies, at, Axie Infinity Account