[Tagalog] Axie Infinity Scholarship Philippines Guide
Updated July 2021:
- New guidelines sa pagcreate ng scholarship account gamit ang Ronin, ang sidechain ng Axie Infinity.
- An English version of this article is already available: Comprehensive Axie Infinity Scholarship Guide [English]
Ang article na ito ay para sa mga managers na gustong magtayo ng kanilang sariling Axie Infinity scholarship at para rin sa mga scholars upang malaman nila kung paano ito minamanage.
Sumisikat ngayon ang Axie Infinity dahil sa mayroon itong โPlay-to-earnโ mechanics. Maaari kang kumita ng cryptocurrency na โSLPโ na pwedeng ipalit sa Pesos. Ito ang dahilan kung bakit dumarami ngayon ang nagtatayo ng โAxie Infinity Scholarships.โ Sa Axie Infinity scholarships, may manager o tao na bibili ng tatlong Axie para sa player (scholar) na hindi kayang bumili. Ang scholar ang maglalaro ng Axie Infinity at maghahati sila ng kanyang manager sa naipong SLP.
PAALALA: UNA: HINDI ITO INVESTMENT ADVICE.
PANGALAWA: Marami ng Axie scholarships sa buong mundo at iba iba sila ng proseso. Ang nakasaad dito ay basic na impormasyon lamang kung paano tinatayo ang mga scholarships.
PANGATLO: Inaassume ng article na ito na mayron ka ng sarili mong Axie Infinity account. Kung wala pa at hindi ka pa nakakapaglaro ng Axie ay basahin ang nakalink na article sa ibaba.
Upang malaman kung ano ang ibig sabihin ng โPlay-to-earnโ basahin ang article na ito (English). Panoorin din ang video sa ibaba tungkol sa isang bayan sa Nueva Ecija kung saan may grupo ng mga manlalaro na naitawid ang kanilang pang-araw araw dahil sa paglalaro ng Axie Infinity.
Upang malaman kung paano maglaro ng Axie Infinity, basahin ang aming Philippines Axie Infinity Guide in English at Tagalog.
Bakit May Axie Infinity Scholarship?
Ang katotohanan — mahal ang isang Axie. At tatlong Axie ang kailangan para maglaro. Ang pinakamurang Axie as of June 7, 2021 ay $167 or Php 8,016. Wala pang kasiguruhan kung ang mabibili mong Axie ay magandang panlaban o hindi.
Ayon sa ating naunang article, importante na may synergy sa iyong tatlong Axie dahil kung hindi ay baka hindi ka manalo ng SLP. Ang basic team combo ay isang (1) defender at dalawang (2) attacker. Kung hindi ka marunong tumingin ng magandang Axie, masasayang lang ang Php 8,016 mo.
Dahil sa malaking upfront investment kaya hindi rin lahat ay makapaglaro ng Axie Infinity. Ito ang dahilan kung bakit may mga entrepreneur na nagtayo ng Axie Infinity Scholarships.
Ano ang Axie Infinity Scholarship?
Sa Axie scholarship, ang guild o ang manager(s) ang bibili ng tatlong Axie na ibibigay sa player (scholar) na kanila namang lalaruin upang manalo at makaipon ng SLP. Ito ay mainam para sa mga player na hindi kayang bumili ng sarili nilang Axie, or para sa mga player na gustong bumili ng Axie pero hindi pa alam kung magiging sulit or magbubunga ba ang kanyang initial investment o hindi.
Ito ang kadalasang makukuha ng scholar pag siya ay naging bahagi ng isang Axie scholarship.
- Tatlong (3) Axie na maganda ang synergy upang makapagsimula
- Dagdag kaalaman tungkol sa Axie Infinity
- Tips kung papaano makaipon ng SLP
- Community Support
Ang Axie Scholarship ang magtatake ng risk para bumili ng tatlong Axie para sa player. Sa ganitong paraan mapapanatag ang scholar (player) dahil kung ano man ang mangyari sa Axie Infinity, kung halimbawa ay bumagsak ito (halimbawa lang ha), wala silang inilabas na kahit na magkano.
Ang maganda rin sa Axie Infinity scholarships ay matuturuan ka kung paano maglaro ng game, na totoo namang kumplikado sa simula (kaya basahin ang aming guide tungkol dito). Matuturuan ka din ng ins and outs ng crypto, paano magcash-out, at iba pa.
Mga Kailangan Para Magtayo ng Axie Infinity Scholarships
Sa mga managers na gustong magtayo ng scholarships, ihanda ang mga sumusunod:
- Google Chrome
- MetaMask (idownload sa Google Chrome)
- Axie Infinity Account
- Ronin Account (idownload sa Google Chrome)
Kung naglalaro ka ng Axie, ang assumption is meron ka na ng mga nasa itaas.
Step 1: Paggawa ng Axie Infinity Account na Gagamitin ng Iyong Scholar
1. Gumawa ng panibagong account sa Ronin.
Wag kalimutang ang ronin address, na laging nagsisimula sa โronin:โ
2. Bumalik sa https://marketplace.axieinfinity.com. (Siguraduhing nakalog out ang iyong main account. At nakaselect ang Ronin account na magiging account ng scholar ninyo.)
- Iclick ang “Log In” pagkatapos ay “Log In Using Ronin.” Pagkatapos ay aprubahan ang sign in.
4. Congrats! Nakagawa ka na ng account para sa iyong scholar!
Step 2: Pagtransfer ng Axie sa Scholarship Account
Sa iyong sariling account (tatawagin nating โmanager accountโ), piliin ang Axie na gusto mong ibigay sa iyong scholar:
1. Pindutin ang โGiftโ:
2. Ilagay ang โronin addressโ ng scholar:
May lalabas pang isang pop-up for confirmation. Pindutin lamang at sa ilang minuto ay matatanggap na ng scholar ang iyong Axie!
Ulitin lamang ang proseso upang maibigay sa account ng scholar ang dalawa pang Axie.
Step: Paano Itransfer ang Scholarship Account sa Scholar
May dalawang paraan para matransfer sa player ang isang scholarship account.
1. Gamit ang QR Code na makikita sa Account Dashboard sa AxieInfinity.com, idownload ang QR code at ibigay sa scholar. Kapag inopen na ng scholar ang kanyang Axie Infinity app sa Android o iPhone, kailangan niya lamang i-scan ang QR code na iyong binigay.
Ito ay ideal sa mga scholar na walang laptop or desktop para laruin ang Axie Infinity. Ideal din ito sa mga hindi masyadong techy na players gaya nina lolo at lola.
2. Maari mo ring ibigay ang email address at password ng account sa player. Sa paraan na ito, makakapaglaro ang scholar sa computer at pwede niyang kuhain ang QR code para siya na lang mismo ang mag-scan nito. (Kung palitan man ng scholar ang password, maari itong ibypass ng manager dahil ang manager ang may control ng Ronin.)
Ideal ito sa mga techy na players na gamer talaga o kaya ay may alam na tungkol sa cryptocurrency.
Ayon kay โTeachโ, na may sariling Axie Infinity guild na โBlackbeard Armadaโ, QR code ang binibigay niya sa kanyang scholar. Ganun din si Ian Enanoria sa kanyang mga scholars. โSince yung mga โiskoโ ay usually naglalaro sa smartphone, necessary yung QR code. Sa ngayon, binibigay ko muna yung mga credentials ng account para sila na mismo kumuha ng QR code,โ saad ni Ian, na siya ring community manager ng Stakin.com.
Baka pag binigay ko ang email at password ay di na ito ibalik?
Wag mag alala ang mga managers dahil hindi maeexpose ang MetaMask at Ronin account sa scholar kahit pa binigay mo sa kanya ang QR code o kaya naman ay ang email at password. Samakatuwid, kung may di inaasahang pangyayari, nasa kontrol pa rin ng manager ang account dahil siya ang may kontrol ng MetaMask at Ronin account.
Step 3: Paano Imonitor at Magmanage ng Axie Infinity Scholarships
Ang ibaโt ibang grupo at guilds ay may kanya kanyang parahan kung paano imanage ang kanilang mga scholars at magmonitor ng earnings. Narito ang mga tips para mapadali ang iyong pagmamanage ng iyong sariling scholarship guild kung ikaw ay nagsisimula pa lamang:
1. Gawin mo ng parehas ang account name ng scholar sa MetaMask at sa Ronin. Ito ay upang di ka malito kapag tinatally mo na ang kanilang naipon na SLP.
Sa pamamagitan nito ay hindi mo na kailangan na malito at madali mong maiidentify kung kaninong scholar naka-assign ang isang ETH at Ronin Address.
2. Gumamit ng tools gaya ng https://axie-scho-tracker.vercel.app/ para matrack ang SLP ng iyong scholar.
Maari mo rin namang tanungin ang iyong scholar kung ilan na ang kanyang SLP na naiipon. Pwede rin naman na lingguhan mo na lang ito tanungin. Depende sa kung paano mo imamanage ang scholar.
3. Mag set ng rules sa hatian sa SLP
Paghahatian ng manager at ng scholar ang naipong SLP. May iba ibang paraan sa kung paano ito ginagawa, depende sa guild.
5. Mag set ng Discord channel upang madaling makipag-communicate ang manager sa iyong mga scholar.
Mga Sikat na Hatian sa SLP
- 60% ng SLP sa scholar at 40% sa manager
- 70% ng SLP sa scholar at 30% sa manager
- 70% ng SLP sa scholar, 20% sa manager, at 10% sa guild
- 65% ng SLP sa scholar, 20% sa manager, 10% sa owner, 5% sa community funds.
Para sa mga gustong maging scholars na nagbabasa, pag-isipan munang maigi bago HUWAG pumayag sa mga hatian na kung saan ay sobrang baba ang ibibigay sa scholar na siyang naglaro para maipon ang SLP. Hindi sustainable ang mga ganitong kalakaran dahil ARAW ARAW AY NAGBABAGO ANG PRESYO NG SLP. Ngayong Hunyo 2021 ay 6 pesos ang SLP. Noong nakaraang buwan ay 13 pesos. Pero noong Disyembre 2020, piso lang ang isang SLP. Laging tandaan na ang presyo ng SLP ay laging nagbabago at isipin itong maigi bago pumasok sa mga scholarship guilds.
Iba pala ang manager sa owner at guild?
Minsan isang tao lang sila pero kung may ganyang hatian, ibig sabihin ay iba ibang tao yan:
- Scholar – ang player na maglalaro ng Axie Infinity
- Manager – ang tao na magmamanage at magtuturo sa scholar ng ins at outs ng Axie Infinity at siya ring sasagot sa mga tanong ng scholar.
- Guild/Group – ang grupo na nagtatag ng scholarship. Halimbawa ay โAxie Universityโ nina Ken, Pot at Spraky sa Cabanatuan.
- Owner – kadalasan ito yung nag invest para makabili ng Axie
- Community Funds – minsan may mga guild nagpapalaro ng tournament sa kanyang mga scholar. At ang SLP na nasa community funds ang magiging premyo para dito.
Mga sikat na paraan ng pagcash out:
Kikita lamang ang scholar at manager once naconvert na ang SLP into Pesos. Kailangan ninyong mag-agree sa kung paano niyo ito gagawin. Narito ang mga nasagap ko na pay-out processes:
- May mga guild na itatransfer ang kinitang SLP ng scholar sa sariling ETH address ng scholar. Ang scholar na ang bahala kung gusto niya itong ipunin o iconvert sa pesos.
- May mga guild naman na diretso ng binibigay ang cash equivalent ng naipong SLP ng scholar.
- May mga grupo rin na ang ETH equivalent ang ibibigay sa scholar.
Depende yan sa kasunduan ng scholar at ng manager/grupo. Para sa manager, maganda na isang blanket rule na lang para sa lahat ng kanyang scholar.
Kailan dapat magcash-out?
Depende yan sa mapag-uusapan ng manager at ng scholar. May mga managers na may fixed na araw kung kelan kinokonvert ang SLP. Halimbawa, tuwing atrenta lamang o kaya ay akinse. May iba naman na okay lang kung kelan gusto ng scholar magcash-out na okay din naman.
Saan Dapat Magcash Out
Ang SLP ay maaring itransfer sa Binance para maconvert to pesos gamit ang P2P.
Maari ring magmessage sa BloomX, isang lisensyadong cryptocurrency exchange sa Pilipinas.
PAALALA: ANG SLP ay nasa Ronin sidechain. Kailangan niyo muna itong itransfer pabalik sa Ethereum blockchain bago mo ito macash out sa BloomX or sa Binance.
- Sync SLP mula sa game papunta sa Axie Infinity dashboard.
- Magpunta sa https://bridge.axieinfinity.com
- I-transfer ang SLP papunta sa iyong Ethereum addres
- Magmessage sa BloomX sa FB at sabihing nais niyong mag-cash out ng SLP. Basahin ang instructions dito.
- Alternative, itransfer ang SLP papunta sa inyong SLP address sa Binance at doon iconvert ang SLP to USDT, pagkatapos ay ibenta gamit ang P2P (Basahin ang instructions tungkol sa P2P sa Binance. Ang article nakalink ay tungkol sa pagbili ngunit maari rin itong gamitin sa pagbenta.)
Magsearch ng mga videos kung hindi naintindihan ang nasa itaas.
Paano maghanap ng scholar para sa Axie Infinity Scholarship?
Maraming players ang gustong maglaro ng Axie Infinity ngunit hindi nila kaya dahil mahal ang isang Axie. Pumunta lamang sa Facebook group na Axie Infinity Official Philippine Community at maraming naghahanap doon.
May mga guilds na nagpopost sa Twitter at Facebook ng mga forms kung saan puwedeng mag apply ng scholarship.
Madaming gustong maging scholar, sino ang dapat piliin?
Mahirap na tanong yan. Nung nagsimula si Spraky sa Axie University, inuna niyang bigyan ng scholarships ang kanyang mga kamag-anak at dating officemates.
Dahil ang mga managers ay naglabas ng pera para makabuo ng scholarships, siyempre maghahanap yan ng scholar na masipag maglaro ng Axie Infinity at maka-earn ng madaming SLP. Walang tamang sagot sa tanong na ito, pero mainam sa mga manager na salain kung sino ang gusto nilang mapabilang sa kanilang guild.
Nainterview ng BitPinas ang ilang mga scholarship managers kung paano sila pumipili ng scholars.
Ayon kay Teach, inuuna niya ang mga taong malapit sa kanya na kailangan ng tulong.
Ayon kay Ian Enanoria, na siya ring community manager ng Stakin.com, inuuna niya yung mga walang experience sa laro. Una niyang binigyan ng scholarship ang kanyang mga kaibigan at mga katrabaho. May iba naman na nirefer sa kanya. Ayon din kay Ian, una ay nagfocus lang siya sa mga taga Davao ngunit ngayon ay may mga scholars na rin siya sa Negros Occidental at Maynila.
Ayon kay Rico Robles na ngayon ay manager ng 1UpPH Guild at isa ring relationship manager sa UnionBank, madalas ay nabibigyan niya ng scholarships yung mga matagal ng naghahanap. โMga 3 months matiyatiyaga, then hindi minor para dapat responsable na at mature,โ saad ni Rico sa isang interview.
โMeron din consideration sa skills niya like if he can help with management ng group page, graphics, strategies, etc,โ sabi rin ni Rico.
Anong Axie ang dapat kong ipalaro sa scholar?
Mainam at mas makakaipon ng SLP ang scholar kung ang ibibigay na tatlong Axie ng manager ay may synergy sa isaโt isa. Kung pangit na Axie ang ibibigay ng manager sa scholar, mahihirapan ang scholar na makaipon ng SLP. Tumingin ng videos sa YouTube o kaya sa Axie.Zone para malaman ang mga sikat na combo ngayon. Ang pinakabasic na formation ay isang (1) defender at dalawang (2) attacker.
Ayon kay Teach, hindi importante kung ang Axie ay pure breed basta ang importante ay kaya ng mga Axie na lumaban sa Adventure mode.
Paalala: Axie Infinity Terms of Service
Gaya ng ibang online games, may terms of service na dapat sundin ang mga players ng Axie Infinity. Ito rin dapat ang maging gabay ng mga scholarship guilds. Ilan sa mga nakasaad dito ay:
One person one account. Bawal ang isang player na may dalawang account sa Axie Infinity. Pag nalaman na nagmulti-account maaring ma-ban ang account na nilalaro ng lumabag na player, ngunit baka ma-extend ang ban sa lahat ng account na kasali sa isang scholarship guild.
Wag papalitan ang oras ng phone para magrefresh ang energy. Ito ay isa ring bannable offense.
Axie Infinity Education, Kailangan Ba? Paano ie-enforce ang Axie rules?
Kailangan updated ang manager sa mga latest na kaganapan sa Axie Infinity upang maituro niya ang implikasyon nito sa kanyang mga scholar. Halimbawa nagkaron ng update ang laro kung saan nabawasan ang attack capability ng ilang mga cards. Napakaimportanteng malaman ito ng scholar para alam niya kung paano iaadjust ang kanyang gameplan.
Ayon kay Teach, mayron siyang Discord group page kung saan nandoon ang mga rules na kanyang scholarship guild. Ayon naman kay Ian, pinapabasa niya muna ang terms ng program sa mga applicant para ma-make sure na naiintindihan niya ito kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. โHinihingi ko yung confirmation nila at dinodocument ko para malinaw sa umpisa pa lang. Required na nasa Discord server sila and as much as possible, nakikita kong active, nakikipag-usap sa kapwa isko, and siyempre having fun. And, para ma-maintain yung scholarship account nila, may weekly quota na kailangang ma-achieve,โ saad pa ni Ian.
Pero para kay Rico, pinaka importante ang tiwala na mabubuo sa pagitan ng manager at ng scholar. โOrient mo lang talaga but you know at the end of the day, itโs all about trust, kasi kung talagang may gagawing hindi maganda ang scholar ay baka gawin niya rin talaga.โ
VIDEO: Axie Infinity Scholarship Guide
Ang sikat na Axie Infinity YouTuber at content creator na si KooKoo ay may magandang video tungkol sa Axie Infinity scholarships. Medyo may pagkakaiba sa aking mga nirecommend at sa mga nirekommend ni KooKoo, patunay lamang na hindi talaga pare-parehas ang pagmamanage ng Axie Infinity scholarships.
Listahan ng Axie Infinity Scholarships
Ito ay hindi komprehensibong listahan ng Axie Infinity scholarships sa Pilipinas at sa ibang bansa. Napakadaming scholarships at kailangan mo lang maghanap sa Twitter, Facebook, at sa Discord. Ugaliing magconduct ng sarili niyong research bago kayo sumali sa mga guilds.
- 1Up PH Guild
- Ananda Axie Scholarship
- Axie Academy by BlockchainSpace
- Axie Capital
- Axie Davao
- AxieGG
- Axie University
- Blackbeard Armada
- Coinbarn
- Coin Sessions Entertainment
- Lev0x eSports
- LootSquad GG
- Luna Blessing by Scythe
- OneZee by OneDayPlay
- Paid2Play Guild
- RAAxie Infinity
- Real Deal Guild
- Sando Gang by KooKoo
- Sushinobi Axie Academy
- Talavera Axie Shop
- Tarlac Axie Empire
- Team A&C
- Yield Guild Games
Resource List:
- BlockchainSpace Axie Resource List (nandyan na lahat)
- KooKoo Crypto
- Axie Infinity Discord
- Yield Guild Games Discord
- BitPinas Articles sa Play-to-earn
- Axie Infinity Official Philippines FB Group
Ang article na ito ay nailathala sa BitPinas: Axie Infinity Scholarship Philippines Guide
pag binigay po ba ang axie sa isko di mo na pwede mabawi?
Pwede mabawi kasi wala naman sa kanya yung metamask at ronin details
Aira chin caneo
Sushinobi Axie Academy
Pwede magtanong?. Pwede ba yun na iisa lang na discord ang ginamit tapos dalawang manager sa axie?. even though iba-iba ang manager..?matatawag pa yun na multi account?.
Nasa po makasali po ako sa shoolar ng axie
Okay po ba ung 60% ung sa manager 40% sa is kolar?
I’m interested
Scholarship na hindi kelangan nag inv apra mag apply. Di nmn connected sa laro bat requirements? Haha.
Pwede ba naming bilhin ang axie na pinagamit sa amin kasama ang ronin account?