Cryptoday 054 – Ang CryptoHeart at ang All-Time High
Maikli lamang ang pag uusapan natin ngayong araw, mga kaibigan. Kasalukuyan akong naglilipat ng bahay sa La Union at inaasahan kong aabutin ng dalawang araw ang (a) re-wiring ng aking studio at (b) malaman kung paano ba ang tamang pagi-install ng pet-gates sa buong lugar. May dalawang bagay lang akong gustong pag usapan sa ating Crypoday ngayong umaga. Una na rito ang nakakagulat na all-time high ng Bitcoin. Umabot ito sa halagang $66.000 kada isa noong nakaraang Miyerkules.
This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโs Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
Bitcoin All-Time High
Sigurado ako na ang pag-launch ng Bitcoin Futures ETF noong nakaraang Lunas ang sanhi ng ATH na ito. Nananatiling ‘stable’ ang presyo nito kahit humupa na ang ‘hype.’ Sa ngayon ay nasa $62,000 range ito at inaasahan kong aabot ito sa $70,000. (Ang โmomentโ na ito talaga ang hinihintay ng aking Bitcoin milestone poster simula pa noong Abril, at malapit-lapit ko na din itong isapubliko.)
Ang Crypto Market
Maging ang ibang crypto ay nahahawa sa kasalukuyang nagaganap na marketwide buying spree. Ang Ethereum ay umabot sa halagang $4,000 kada isa. Ito ang unang pagkakataon na narating ng ETH ang presyong ito simula pa noong nakaraang Mayo. Mistulang berde ang lahat ng laman ng aking portfolio, pati na rin ung mga hindi ko inaasahan tulad ng $CRO at $OHM. Aminado akong hindi ako nakapag due diligence sa dalawang yan bago ko sila binili, kaya naman ok lang sa akin kung hindi sila umangat. Sa totoo lang, mInsan hindi din gaanong maganda kung madalas ay ‘sinuswerte’ ka lang sa crypto kumpara sa paglalaan talaga ng oras upang pag aralan ang mga ito. Nasasanay tayong sumugal nalang ng sumugal. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay bigla nalang masunog o mawala ang lahat ng earnings ko mula sa ganitong โrisky tradesโ. Sana ay may natutunan kayo sa reyalisasyon kong ito.
Crypto Heart
At dahil pinag uusapan natin ang ‘swerte’, ang aking NFTart collaboration kay Heart Evangelista ay malapit ng lumabas. Ilang buwan ko ding pinagpaguran ang dalawang animated paintings na ito na kung tutuusin marahil ay ang pinakamalayong ‘artistic departure’ na aking sinubukan bilang “Cryptopop.” Excited na akong ibahagi sa inyo ang musikang likha ni Rodel Colmenar ng Manila Philharmonic Orchestra. Sa ngayon, ang ‘unofficial’ hashtag nito ay #CryptoHeart na unang ginamit ng aking kaibigan na si Raf Padilla, at medyo nag stuck na din sya di kalaunan.
Hindi si Heart ang unang Filipino celebrity na gumawa ng NFTart drop. Ang una ay inilabas nina Apl.de.ap x AJ Dimarucot noong nakaraang Mayo. Pero sa palagay ko ay si Heart ang pinakaunang celebrity na mayroong genuine na local following. (Kung nagtataka kayo tungkol doon sa Manny Pacquiao NFT collection na kanilang nabangit noong nakaraang Hunyo, wala akong makitang ebidensya kung natuloy ba talaga ang planong yun.) Maglalabas ako ng mga updates sa aking FB at Twitter sa mga susunod na linggo habang sinimulan naming ang pag-‘roll out’ ng mga content tungkol sa ‘drop’ mismo. Asahan nyo din na malapit na naming ilabas ang eksaktong petsa ng pag-launch nito.
At iyan lamang ang para sa araw na ito, mga ka-crypto! Pasensya na sa maikling Cryptoday. Matapos kong ilathala ito ay balik na ako sa pag-โset upโ ng aking workstation. Hanggang sa muli. Magkaroon sana kayo ng masaya at ligtas na weekend!
Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 054 – Ang CryptoHeart at ang All-Time High