Kauna-unahang Axie Infinity Creator Cup, Magsisimula na Ngayong Sabado
Translated by Arzen Ong from First Ever Axie Infinity Creator Cup Starts on Saturday
Kamakailan ay inanunsyo ng Axie Infinity, isang popular na play-to-earn NFT (non-fungible token) game, na sisimulan na nila ang kanilang kauna-unahang official tournament na pinamagatang ‘Creator Cup’. Ang event na ito, na magsisimula ngayong Disyembre 4, ay mapapanood ng Live mula sa Pilipinas.
Walong Pilipinong content creators ang maglalaban-laban sa arena para sa premyong 200 AXS.
Ang mga kalahok ay sina BoarKnock, Charess, Eric Eruption Tai, Hezelya, Moymoy Palaboy, Jillian Santos, Kookoo Crypto TV at si Myrtle Sarrosa.
Ang mga host ng nasabing event ay mga axie manager na si Een Mercado, na isa ring game streamer at cosplayer, at ang media personality na si Yassi Pressman.
Magkakaroon ang tournament ng mga English Caster at silaay ang streamer na si Theeban Siva at si Andrew Campbell, na kilala rin bilang Zyori, ang Program Lead para sa ‘Esports and Creators’ ng SkyMavis, ang developer ng laro. Habang ang Filipino Casters naman ay ang mga youtuber/streamer na sina Archer Perez at invictum.
Ang livestream ng tournament ay mapapanood sa Twitch at sa Facebook.
Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kauna-unahang Axie Infinity Creator Cup, Magsisimula na Ngayong Sabado
gudluck all godbleSssššš
[…] The article is also available in Tagalog: Kauna-unahang Axie Infinity Creator Cup, Magsisimula na Ngayong Sabado […]
[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kauna-unahang Axie Infinity Creator Cup, Magsisimula na Ngayong Sabado […]
[…] Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Kauna-unahang Axie Infinity Creator Cup, Magsisimula na Ngayong Sabado […]