Advertisement PDAX Banner

Cryptoday 072 – Ang Epekto ng Digmaan

Photo for the Article - Cryptoday 072 - Ang Epekto ng Digmaan

Nitong nakaraang Disyembre, sinabi ko na magmumukhang isang dress rehearsal ang kabuuan ng 2021 sa pagsapit ng Q1 ng 2022. Hindi ko inasahan ang mga nangyari nitong nakaraang linggo, kung saan nagsimulang lumusob ang pwersa militar ng Russia upang sakupin ang Ukraine

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura IIโ€™s Cryptoday Column here on Feb. 26, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Ang Epekto ng Digmaan

 Sa aking pananaliksik tungkol sa nasabing engkwentro para sa aking paghahanda sa ating newsletter ngayong araw, nakakuha ako ng mas malalim na pang-unawa tungkol sa kung gaano talaga kakumplikado ang sitwasyong ito.

Ang sentro ng digmaan sa Ukraine ay nag-ugat sa mismong kasaysayan ng NATO, na siyang unang itinatag matapos ang WWII bilang isang military alliance sa pagitan ng US at ng mga bansa sa West Europe. Ang adhikain nito ay upang makapagbigay ng โ€œkolektibong seguridad laban sa Soviet Union.โ€

Sa pasimula ng panibagong siglo, dahan-dahang gumalaw pasilangan ang NATO sa direksyon ng Russia, kung saan napasakamay nila bilang miyembro ang mga bansang Lithuania, Latvia, at Estonia. Kung sakaling maging miyembro nito ang Ukraine, tila mapapaligiran na ng mga kasapi ng NATO ang western borders ng Russia. Ang pinakahilagang bansang katabi ng Russia ay ang Finland, at nagkataong namang nilalakad rin ng Finland ang membership nito sa NATO ngayong taon. Samantala, ang Belarus naman na nasa hilaga ng Ukraine ay nasa ilalim ng isang security treaty kasama ang Moscow.

Photo for the Article - Cryptoday 072 - Ang Epekto ng Digmaan
From Time.com

Ang Ukraine

Advertisement PDAX Banner

Ang Ukraine ay isang key player sa maraming paraan dito sa global chess game na ito.

Dahil sa lokasyon nito, ang Ukraine ang nagsisilbing daanan patungong Europe ng langis na napo-produce at binebenta ng Russia. Ito rin ang pinakamalaking bansa sa Europe pagdating sa land area, at nangungunang bansa sa mundo pagdating sa wheat production.

Subalit ngayong sinasalakay na ito ni Putin, naiwan itong lumalabang mag-isa.

Wala man lang sa NATO o sa US ang nag-alok dito ng military support, kahit na ang US ay may 90,000 na tropang nakakalat sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Europe, na siyang bilang ng tropang patuloy nilang pinapalakas. Ang NATO naman ay may nakahandang 40,000 na tropa, ngunit sa ngayon, ang bilang na ito ay nakalaan lamang upang depensahan ang borders ng mga bansang kasapi sa NATO. Samantala, ang kapitolyo ng Ukraine na Kyiv ay namamahagi ngayon ng AK-47 sa kanilang mga sibilyan para lamang maprotektahan ang kanilang pamilya laban sa papasok na hukbo ng Russia

Ang Halaga ng Digmaan

Ang kabuuang bilang ng tropang inilunsad ng US sa Europe ay nahahalintulad sa bilang ng tropang inilunsad nila sa kasagsagan ng kanilang kampanya sa Afghanistan.

Binibigyan tayo nito ng ideya sa maaaring maging financial cost ng isang malaking digmaan sa Europeโ€ฆ kahit man lang sa perspektibo ng US.

a pagitan ng 2010 at 2012, naglunsad ang US ng humigit 100,000 tropa sa Afghanistan, at dahil dito, ang kanilang naging taunang gastos ay umabot sa $100B. Ang kabuuang gastos ng pagkakaroon ng presensya ng US sa Afghanistan ay umabot na sa $2T. Kung ikukumpara, ito ay bilang na lumagpas na sa pinagsamang market cap ng buong industriya ng cryptocurrency.

Bitcoin Bilang “Safe Haven”

Ito ang nagdala sa akin sa dalawang puntong nais kong talakayin sa newsletter na ito ngayong linggo.

Una, sa tingin ko na ang popular na naratibong โ€œang Bitcoin ay isang safe havenโ€ ay hindi tama

Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng โ€œsafe havenโ€, ito ay isang terminong tumutukoy sa mga asset na lubos na pinahahalagahan ng merkado sa panahong walang kasiguraduhan. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa ginto, at talaga namang nalampasan nito ang Bitcoin ngayong taon.

Ibig ba nitong sabihin na ang Bitcoin ay hindi kailanman magiging safe haven? Hindi, pero kailangan nating tanggapin ang katotohanang ang mga institutional investor na gumawa ng malaking ingay tungkol sa BTC noong 2020, ay ang parehong mga investor ngayon na umaalis na sa mga crypto markets at bumabalik na sa paggamit ng cash.

Malayo pa ang tatahakin ng Bitcoin upang maging totoong safe haven asset. Kung ikukumpara, ito ay mayroong $745M market cap na siyang 5% lang ng $12T na marketcap ng ginto. (Maaari mo ring alamin ang opinyon ng FTX CEO Sam Bankman-Fried tungkol sa developing market dito.)

Ang Pagpapalit ng Dominant Currency

Ang pangalawang punto na nais kong ibahagi sa inyo ay lubhang magiging  kontrobersyal, kaya kailangan ko kayong magkaroon ng isang bukas na isip para sa bagay na ito.

Sa bawat isang daang taon, ang dominant currency sa mundo ay nagbabago.

Sa kasalukuyan, ang dominant currency sa mundo ay ang US Dollar. Bago ang WWII, ito ay ang Pound Sterling. Noong ika-18 siglo, ang dominant currency ay ang Dutch Guilder.

Karaniwang nagmumula ang dominant currency sa bansang may pinaka-advance na military complex, at sa loob ng 500 taon, ito ay tumutukoy sa bansang may pinakamalaking naval presence.

Syempre, sa panahon ngayon, ang modernong pakikidigma ay komplikado, sapagkat mayroon na ngayong mga kagamitang tulad ng drones, cyber attacks, ransomware, at economic sanctions na maaaring gamitin bilang mga sandata.

https://www.youtube.com/watch?v=Kfe6d6MzeLM&feature=emb_title

Samakatuwid, iniisip ko kung magkakaroon kaya ng pagbabago sa nalalapit na panahon? Sa tuwing nakikita ko ang makaagaw-pansing army recruitment ads na inilalabas ng Chinese at Russian military, at ikinukumpara ito sa kanilang โ€œwokeโ€ na US counterpart, naiisip kong marahil nakikita na natin ang nalalabing mga oras ng dollar. (Salamat, Celeste, sa pagturo mo sa akin sa videong ito kamakailan)

Crypto Prices

Ang crypto prices ay nag-bounce back sa 5% o higit pa sa loob ng nakaraang 24 na oras, posibleng dahil in-acknowledge ng mga investor na ang merkado ay medyo oversold nitong nakaraang linggo.

Umakyat din ang stocks, at inuugnay ito ng ilang mga writers sa posibilidad ng negosasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

koโ€™y medyo umaasa na magkakaroon ng agarang resolusyon sa nagaganap na labanan sa Ukraine, dahil mukhang wala namang ibang may sikmurang sumabak sa isang malawakang digmaan maliban kay Putin. Kung gagamit ang Russia ng cryptocurrency upang iwasan ang mga ipinataw na economic sanctions sa kanila, maaaring ito ay magresulta ng agresibong paghihigpit sa regulation mula sa US at EUโ€ฆ wala sa dalawang ito ang naging maluwag pagdating sa public cryptocurrencies nitong mga nakaraang buwan.

Have a great weekend, mga ka-crypto, at manatiling ligtas palagi!

This article is published on BitPInas: Cryptoday 072 – Ang Epekto ng Digmaan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.